Nagsasa Cove, Zambales
May 2011
patapos na ang summer ng maisipan mag beach dahil narin sa napakabusy na schedule, at last after ng ilang months ngkitakita at ngkasamasama kame ng mga college friends ko. friday ng madaling araw ng umalis kame. sa Victory Liner Caloocan kame sumakay papuntang Zambales mga 5am at that time nasa 400 plus na yung fare, we arrived at San Antonio at around 11am na then ngrent kame ng boat nung time na yun 450 yung rent sa boat maximum of four persons nasa 1 hr mahigit yung boat ride.
What i like about nagsasa napakarelaxing ng place walang signal so one with the nature ang peg and the sand mejo fine sya and the view parang nasa ibang lugar ka outside pinas sabi nga namin nun parang new zealand daw though wala naman ni isa samin ang nakapunta pa dun para i compare haha. oh and yung water nya so nice at take note ung pinaka gusto ko is hindi malalim yung water kahit nasa dulo ka na mababaw parin.
I love adventure!siguro dahil laking probinsya ako hindi ko hilig yung my fancy hotel room okay na ako sa tent oh kaya sa hammock basta makatulog saglit okay na
walang food na fancy dun so bring your own food, yosi at kung anu pang gusto nyong dalahin may maliit na store dun pero gold yung price and in terms naman sa cr wag ng choosy basta yun na yun maliinis naman sya pero kelangan mong paghirapan dahil mg boboomba ka ng tubig sa poso para makaligo haha exciting diba? maganda rin mag bonfire dun kwentuhan habang naririnig mo un alon nakakarelax.
It is such a nice experience lalo na kapag marami kayo surely mag eenjoy kayo. oh and dont forget to bring pang snorkeling at maraming sun block at maraming food and water. sana maulit ulit ang adventure na ganito soon!!
We left the place sunday afternoon na, nalate pa nga si manong bankero dahil malakas na yung alon mejo scary yung along ilang beses pinatay ni manong bankero un makina scary talaga haha reminder lang kung malakas yun alon at pinush nyo wag na kayo maligo kasi for sure basang basa din kayo dun na lng kayo maligo sa may antayan ng bangka. oh and may 3 kmeng kasama na nagpaiwan at gusto iextend ang one with the nature nila. oh well sana maulit muli soon!!!















